𝐒𝐚𝐧𝐭𝐨 𝐍𝐢ñ𝐨 𝐝𝐞 𝐓𝐨𝐧𝐝𝐨 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐢𝐚𝐥𝐥𝐲 𝐃𝐞𝐜𝐥𝐚𝐫𝐞𝐝 𝐚𝐬 𝐌𝐢𝐧𝐨𝐫 𝐁𝐚𝐬𝐢𝐥𝐢𝐜𝐚
By Louis Ryan Angeles | May 11, 2026
Isang makasaysayang araw para sa buong Tondo at sa lahat ng deboto ng Señor Santo Niño. Opisyal nang idineklara bilang Minor Basilica ang Archdiocesan Shrine and Parish of Santo Niño de Tondo ngayong Mayo 11, 2026 — isang pambihirang pagkilala mula sa Vatican para sa isa sa pinakamatandang simbahan at sentro ng debosyon sa Pilipinas.
Ang pagkilalang ito ay ibinigay ng Dicastery for Divine Worship and the Discipline of the Sacraments, bilang pagkilala sa malalim na pananampalataya, kasaysayan, at mahalagang papel ng simbahan sa buhay espiritwal ng mga Batang Tondo at ng Simbahang Katolika sa bansa.
Isang Makasaysayang Karangalan para sa Tondo
Mula pa noong panahon ng Kastila, ang Santo Niño de Tondo Church ay nagsilbing tahanan ng pananampalataya, pag-asa, at panalangin ng libu-libong deboto. Mahigit apat na siglo na itong sentro ng debosyon sa Mahal na Señor Santo Niño.
Ngayon, kinikilala na rin ito bilang isa sa pinakamahalagang simbahan sa Pilipinas matapos itong italaga bilang isang Minor Basilica — isang titulo na ipinagkakaloob lamang sa mga simbahang may natatanging kahalagahang espiritwal, historikal, at pastoral.
Bukod sa pagiging sentro ng pananampalataya, mahalaga rin ang simbahan sa kasaysayan at kultura ng Tondo. Maraming deboto at turista ang bumibisita rito upang mas makilala ang mayamang pamana ng distrito.
Kung nais mong mas maintindihan ang kasaysayan at kultura ng Tondo, maaari mo ring ma-experience ito sa Tondo Walking Tours:
Solemn Declaration Mass Led by Church Leaders
Ginanap ang banal na Misa para sa opisyal na pagtatalaga ng simbahan bilang Minor Basilica sa pangunguna nina:
- Papal Nuncio Charles Brown
- His Eminence Jose Cardinal Advincula
- Msgr. Jerome Reyes
Dumalo rin ang libu-libong deboto, parishioners, at Batang Tondo upang saksihan ang makasaysayang sandaling ito para sa kanilang minamahal na simbahan.
Grand Procession in the Streets of Tondo
Inabangan din ng mga deboto ang naganap na Grand Procession bandang alas-6 ng gabi bilang bahagi ng pagdiriwang. Napuno ng pananampalataya, debosyon, at pagmamahal sa Señor Santo Niño ang mga lansangan ng Tondo.
Para sa maraming residente, hindi lamang ito simpleng pagdiriwang ng simbahan — ito ay tagumpay ng buong komunidad ng Tondo.
Event Details
Vatican Recognition for Santo Niño de Tondo
Ang opisyal na dokumento ng pagkakaloob ng titulong Minor Basilica ay pirmado nina Cardinal Arthur Roche at Archbishop Vittorio Francesco Viola. Isa itong pandaigdigang pagkilala ng Simbahang Katolika sa makasaysayang kahalagahan at malalim na debosyon na matatagpuan sa Tondo.
Sa loob ng maraming henerasyon, naging bahagi na ng kultura at pagkakakilanlan ng Tondo ang debosyon sa Señor Santo Niño. Mula sa mga pista, prusisyon, panalangin, hanggang sa pang-araw-araw na buhay ng mga residente, nananatiling buhay ang pananampalataya ng mga Batang Tondo.
Kamakailan lamang ay ginawaran din ng Lungsod ng Maynila si Nene Lopez-Ching para sa kanyang kontribusyon sa Lakbayaw Festival at kultura ng Tondo. Basahin dito:
Isang Tagumpay ng Buong Tondo
Ang pagtatalaga sa Santo Niño de Tondo bilang Minor Basilica ay hindi lamang karangalan para sa simbahan kundi para sa buong Tondo at sa lahat ng mga taong patuloy na nagmamahal at nagtatanggol sa kanilang pananampalataya at kultura.
🙏 Viva Señor Santo Niño de Tondo!
👑 Mabuhay ang Batang Hari!
❤️ Proud Batang Tondo!
Watch the Official Live Video
Click here to watch the official live coverage of the Minor Basilica declaration
Related Articles
Tondo Walking Tour: Kilalanin ang Kasaysayan at Kultura ng Tondo
Explore the heritage, churches, culture, food, and stories that shaped Tondo through this walking tour guide by When In Tondo.
Nene Lopez-Ching Ginawaran Para sa Lakbayaw Festival
Read the story behind the recognition awarded to Nene Lopez-Ching for contributions to Lakbayaw Festival and Tondo culture.
