Nene Ching Ginawaran ng Lungsod ng Maynila Para sa Lakbayaw Festival Tondo at Kulturang Tondo

By Louis Ryan Angeles | 18 February 2026

Sa unang pagkakataon, pinarangalan ng Lungsod ng Maynila si Angela “Nene” Lopez Ching para sa kanyang malaking kontribusyon sa pagpapanatili at pagpapalakas ng kultura, tradisyon, at kasaysayan ng Lakbayaw Festival Tondo tuwing Kapistahan ng Sto. Niño de Tondo — isa sa pinakamahalagang cultural festivals at street celebrations sa Tondo, Manila.

Opisyal nang inaprubahan ng Manila City Council noong 29 Enero 2026 ang:

“RESOLUTION NO. 46, SERIES OF 2026 – RESOLUTION EXPRESSING PROFOUND RECOGNITION, COMMENDATION, AND GRATITUDE TO MS. ANGELA ‘NENE’ CHING AND HER FAMILY, FOR THEIR FIFTEEN (15) YEARS OF DEDICATED SUPPORT AND STEADFAST LEADERSHIP IN SUSTAINING THE LAKBAYAW COMPETITION FOR THE TAMBULERO AND CULTURAL DANCE SHOW, IN HONOR OF THE STO. NIÑO DE TONDO FEAST DAY, THROUGH THE PROGRAM ‘PASIKLABAN SA TONDO,’ THEREBY STRENGTHENING THE TRADITION, CULTURE, AND HISTORICAL IDENTITY OF TONDO, MANILA.”

Ang resolusyong ito ay isang pormal na pagkilala sa labinlimang (15) taon ng tuloy-tuloy na suporta, liderato, at malasakit ni Nanay Nene at ng kanyang pamilya sa pagpapanatili ng isa sa pinakamahalagang cultural celebrations, heritage traditions, at community festivals sa Tondo, Manila.

Nene Ching Lakbayaw Festival Pasiklaban sa Tondo Manila

15 Taon ng Pasiklaban sa Tondo at Lakbayaw Festival

Sa loob ng 15 taon, walang tigil na nagsagawa ng kompetisyon si Nanay Nene at ang kanyang pamilya — kabilang sina Jay Ching Pineda, Don Robert Gaza, Macmac Ching, Joey, Angge, Joseph, Melba, Benzon, Margie, Grace, Anie, Junior at kanilang mga asawa’t anak — sa pamamagitan ng “Pasiklaban kay Nene Ching Street Dance Festival Competition” na ginaganap sa Varona Street, Tondo, Manila.

Kabilang sa mga pangunahing bahagi ng selebrasyon ang Lakbayaw Competition na kinabibilangan ng cultural dance, pagsayaw sa kalye, street performances, at pagtugtog ng mga mananambol sa kalye bilang bahagi ng pagdiriwang ng Sto. Niño de Tondo Feast Day.

Sa pamamagitan ng Pasiklaban sa Tondo, napalakas ang partisipasyon ng mga Batang Tondo, kabataan, cultural performers, dancers, tamboleros, at mga lokal na komunidad habang patuloy na pinapangalagaan ang identity, kultura, pananampalataya, at kasaysayan ng Tondo.

Ang Lakbayaw Festival ay isa sa mga kilalang cultural and religious celebrations sa Tondo na nagpapakita ng pagkakaisa, creativity, faith, at pagmamalaki ng mga taga-Tondo sa kanilang heritage at tradisyon.

Pasiklaban sa Tondo Lakbayaw Competition Sto Niño de Tondo Festival

Opisyal na Pagkilala ng Manila City Council

Ang Resolution No. 46, Series of 2026 ay isinulat at inakda ng mga Konsehal ng Unang Distrito ng Tondo na sina:

  • Hon. Rosalino “Jhun” P. Ibay, Jr.
  • Hon. Dra. Irma C. Alfonso-Juson
  • Hon. Joaquin Andre “JD” D. Domagoso
  • Hon. Jesus “Taga” E. Fajardo, Jr.
  • Hon. MC Bobby G. Limyuen
  • Hon. Erick Ian O. Nieva
  • Hon. Enriqueta “Erika” O. Platon
  • Hon. Raymundo “Mon” R. Yupangco – Majority Floor Leader

Kasama sa sumuporta sa resolusyon sina Vice Mayor at City Council Presiding Officer Hon. Angela “Chi” Atienza at Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso.

Sa pamamagitan ng resolusyong ito, kinilala ng Lungsod ng Maynila ang mahalagang papel ng pangmatagalang cultural leadership sa pagpapanatili ng tradisyon, cultural heritage, pananampalataya, street festivals, at pagkakakilanlan ng mga taga-Tondo.

Lakbayaw Festival Tondo Manila cultural celebration and street dance

Higit Pa sa Isang Parangal

Habang maraming nagbabago sa panahon, may mga taong pinipiling manatiling matatag sa pagprotekta at pagpapalakas ng kultura, sining, tradisyon, at historical identity ng Tondo, Manila.

This is more than a recognition. It is the City of Manila officially honoring a woman who helped keep the cultural heartbeat of Tondo alive through community leadership, cultural preservation, at tuloy-tuloy na suporta sa Lakbayaw Festival at Pasiklaban sa Tondo.

Isang patunay na ang tunay na serbisyo ay hindi nasusukat sa titulo, kundi sa consistency, sakripisyo, malasakit sa bayan, at dedikasyon sa pagpapanatili ng kultura ng Tondo para sa susunod na henerasyon.

Isang Pamana Para sa mga Batang Tondo

Ang Lakbayaw Competition at Pasiklaban sa Tondo ay hindi lamang taunang selebrasyon. Ito ay naging bahagi ng cultural system ng Tondo — isang tradisyong nag-uugnay sa pananampalataya, sining, street dance culture, tambolero performances, at pagkakaisa ng mga taga-Tondo.

Sa pagkilalang ito, mas lalo pang pinagtitibay ang pangangalaga sa kasaysayan, kultura, heritage traditions, at local identity ng Tondo para sa susunod na henerasyon ng mga Batang Tondo.

Maraming salamat po Nanay Nene at sa buong Ching Family sa napakalaking ambag ninyo sa kultura, kasaysayan, at tradisyon ng Tondo, Manila.

Tondo Manila culture heritage and Lakbayaw Festival preservation


Explore More About Tondo Through When In Tondo

Discover more about Tondo history, culture, heritage sites, local businesses, food trips, community stories, festivals, and cultural traditions through When In Tondo.

Experience the real culture, history, heritage, and stories behind Tondo, Manila through When In Tondo.

Scroll to Top